Apektado ang koleksyon ng basura sa bayan ng Binmaley dahil sa limitadong bilang ng garbage trucks na nagsisilbi sa 33 barangay, ayon sa lokal na pamahalaan.
Ayon sa LGU, bawat truck ay kailangang maghatid ng basura sa sanitary landfill sa Porac, Pampanga, na umaabot ng halos isang araw ng byahe, dahilan ng pansamantalang pagkaantala lalo na sa panahon ng kapaskuhan at bago magbagong-taon.
Nilinaw din ng pamahalaan na hindi lamang Binmaley ang humaharap sa ganitong hamon, at marami pang bayan at lungsod sa lalawigan at sa buong bansa ang may parehong suliranin sa solid waste management.
Nanawagan ang LGU sa publiko na makiisa sa tamang segregasyon at pagtatapon ng basura upang mapabilis ang koleksyon at maiwasan ang tambak na basura.
Patuloy din ang paghahanap ng lokal na pamahalaan ng mas maayos at pangmatagalang solusyon para sa kalinisan at kalusugan ng mamamayan.
Facebook Comments








