Manila, Philippines – Hindi na kokontrahin nina AgricultureSecretary Emmanuel Pinol at Trade Secretary Ramon Lopez ang itinakda ng SugarRegulatory Administration o SRA na limitasyon sa importasyon ng artificialsweetener na high fructose corn syrup na ginagamit sa soft drinks at iba pangmatatamis na inumin.
Ito ang sinabi ni Senator Juan Miguel Zubiri, ViceChairman ng Senate Committee on Agriculture matapos ang pagdinig ukol saimportasyon ng high fructose corn syrup.
Ayon kay Zubiri, nangako sa kanila si Secretary Pinol at SecretaryLopez na na susuportahan ang hakbang sra na solusyon para hindi bumagsak angsugar industry sa bansa na inaasahan ng 5 milyong magsasaka at kanilangpamilya.
Base sa sugar order number 3 na inilabas ni SRAadministrator Anna Rosario Paner, papayagan lang na angkating high fructosecorn syrup ay yaong pupuno sa pangangailangan sa asukal na hindi masusuplayanng local na sugar producers.
Para kay Zubiri, tama lang ag askyon ng sra paraproteksyunan ang guar producers sa 14 na lalawigan dahil 50 percent ng kanilangmerkado ang beverage o softdrinks companies.
Limitasyon sa pag-aangkat ng artificial sweetener, hindi na kokontrahin ng DA at DTI
Facebook Comments