Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) ang patungkol sa limitasyo ng paggastos ng mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, hanggang ₱5 lamang para sa bawat rehistradong botante ang maaaring gastusin ng mga kandidato para sa pangangampanya sa BSKE.
Ipinaalala rin ng Comelec na kailangang magsumite ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ang lahat ng kakandidato.
Itinakda ng Comelec ang huling araw ng pagsusumite ng SOCE hanggang Nobyembre 29, 2023 lamang.
Magsisimula ang filing ng Certificate of Candidacy o COCs sa August 28 hanggang Septemebr 2 at idaraos ang halalan sa October 30 ngayong taon.
Maaaring makuha ang mga form ng COC ng mga kakandidato para sa BSKE sa official website ng Comelec.