Limited face-to-face classes at iba pang GCQ areas, malabo pa – DepEd

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi sakop ng proposed pilot testing ng face-to-face classes ang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) sa harap na rin ng surge ng COVID-19 cases.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, malabo pang maibalik ang face-to-face classes sa Metro Manila dahil na rin sa desisyon ng mga alkalde.

Bagamat nasasabik sila na maibalik ang in-person classes, sinabi ni Briones na ang kasalukuyang polisiya sa ilalim ng GCQ ay mananatili.


Ang mga local government units ay pwedeng magpatupad ng adjustments pagdating sa delivery at retrieval ng self-learning modules sa mga eskwelahan na nasa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments