Maaari nang magsimulan ang mga unibersidad at kolehiyo ng limitadong face-to-face classes sa lahat ng degree programs sa susunod na buwan.
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera, ito ay basta’t nakakasunod sila sa mga guidelines ng muling pagbubukas ng in-person classes.
Sa ilalim ng pinalawig na limitadong face-to-face classes, maaari na aniyang muling buksan ng mga Higher Education Institution (HEIs) ang kanilang mga paaralan sa ilalim ng ilang kondisyon.
Kabilang na rito ang pagiging fully vaccinated laban sa COVID-19 ng mga estudyante at faculty members na makikilahok sa limitadong in-person classes.
Kailangan ding makasunod sila sa mga requirements sa minimum health standards sa pagsasaayos ng kanilang mga pasilidad.
Nilinaw naman ni De Vera na tanging sa mga lugar lamang na nasa ilalim ng Alert Level 2 at pababa maaaring magsagawa ng in-person classes.