Kinumpirma ng Department of Education Region 1 na maari nang magpatuloy ang limited face-to face classes sa rehiyon ngayong ibinaba na ito sa Alert Level 2.
Nasa 20 paaralan ang muling magbubukas ng kanilang limited face-to-face para sa kanilang mga mag-aaral na kinabibilangan ng kindergarten hanggang sa third grade.
Ang mga paaralan ay mula sa Ilocos Sur, Ilocos Norte at Pangasinan.
Ayon kay Cesar Bucsit ang DEPED Region 1 Public Affairs Unit Head, inaasahan sa ikatlong linggo ng buwan na madadagdagan pa ang mga paaralan na magkakaroon ng limited face-to-face classes.
Samantala, siniguro naman ng ahensya na ligtas ang mga mag-aaral at guro sa pagsasagawa ng naturang programa ngayong pandemya. | ifmnews
Facebook Comments