Limited face-to-face classes sa NCR+, pansamantalang suspendido – CHED

Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na pansamantalang suspendido ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes sa Higher Education Institutions (HEIs) lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Nabatid na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Enero ang pagsasagawa ng limited in-person classes para sa mga estudyanteng kumukuha ng medisina at allied health sciences degrees sa piling HEIs sa buong bansa.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera, aabot sa 24 HEIs ang pinayagang magsagawa ng face-to-face classes.


Dagdag pa ni De Vera, ang limited face-to-face classes ay hindi muna isasagawa sa mga eskwelahang nasa ilalim ng National Capital Region (NCR) dahil itinuturing itong high-incidence areas.

Batay sa joint guidelines ng CHED at ng Department of Health (DOH), ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes ay hindi pwedeng gawin kung patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 at kung may nagpositibong estudyante sa sakit.

Facebook Comments