Pinayagan na ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng physical end-of-school-year (EOSY) rites o in-person graduation sa mga paaralan na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19, pinapayagan na ang limited face-to-face graduation sa mga paaralang matatagpuan sa mga low-risk na lugar.
Ang mga paaralan namang nasa Alert Level 3, 4, at 5, ay tanging virtual EOSY rites lamang ang papayagan.
Nabatid na nakatakdang magtapos ang school year ng mga pampublikong paaralan sa Hunyo 24.
Habang ang EOSY rites naman ay dapat isagawa anumang araw mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 2.
Facebook Comments