LIMITED FACE-TO-FACE SA MGA HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS FOR ALL PROGRAMS SA REGION 1, MAAARING MAGSIMULA NGAYONG BUWAN AYON SA CHED RO1

Inamin ngayon ng pamunuan ng Commission on Higher Education o CHED Region 1 na ngayong buwan pa lamang ng Pebrero o Marso ang maaaring pagsisimula ng limited face-to-face classes sa mga Higher Education Institutions sa buong Region 1 mula sa orihinal na target date ng mga ito sa huling linggo ng buwan ng Enero ngayong taon.

Iginiit ni OIC-Director ng CHEDROI at Chief Education Program Specialist, Dr. Danilo B. Bose, mas pinili umano ng mga HEI Institutions na simulan na lamang ngayong buwan ng Pebrero o Marso ang pagsisimula ng limited face-to-face classes dahil sa nakitaan ng muling pagtaas o surge ng kaso ng COVID-19 ang buong bansa maging ang Region 1 at ang pagpapanatili ng Alert Level 3 status.

May labing tatlo umanong sana na HEIs ang nakatakdang magbukas ng limited face-to-face classes for all programs ngunit dahil sa banta ng Omicron variant ay isang institusyon mula sa La Union ang nagpasyang huwag munang magsagawa ng pagbubukas ng klase kung kaya’y labing dalawa na lamang ang naiwan institusyon ang magsasagawa ng second semester limited face-to-face classes.

Bago pa umano magpatupad ng pagpapatupad ng face-to-face classes ay sinisiguro umano ng kanilang ahensya ang pagsunod ng mga lalahok na institusyon sa mga itinalagang panuntunan ng National IATF at ang local government units approval maging ang vaccination turn out mula sa mga estudyante at ang teaching and non-teaching personnel.

Samantala, sa ngayon ay wala pa umanong pinakabagong nadagdag na mga institusyon na hindi tutuloy sa pagsasagawa ng face-to-face classes. | ifmnews

Facebook Comments