Indonesia – Nasawi ang 14 na tao matapos tumama ang 6.4 magnitude na lindol sa Lombok, Indonesia.
Tumama ang lindol ng umaga sa kasagsagan ng tulog ng nakaparaming tao.
Aabot sa 162 ang sugatan habang libu-libong bahay ang napinsala.
Naputol ang supply ng kuryente sa sembalun at paanan ng Mount Rinjani, mga lugar na matinding tinamaan ng lindol.
Isinara muna ang isang sikat na trekking destination sa lugar kung saan daan-daang climbers ang inilikas.
Ang Lombok Island ay kilala bilang isang global summer destination, dahil sa mga sikat na hiking trails, resort at beach nito.
Facebook Comments