LINDOL | Batangas at Quezon Province, magkasunod na niyanig

Manila, Philippines – Matapos ang dalawang magkasunod na lindol sa Occidental Mindoro, nakaramdam din ng pagyanig sa Batangas at Quezon Province kaninang madaling araw.

Alas 2:29 nang maitala ang magnitude 3.4 na lindol sa Calatagan, Batangas.

Makalipas lang ang 20 minuto, naramdaman naman ang magnitude 3.1 na lindol sa Jomalig, Quezon.


Tectonic ang origin ng mga pagyanig at hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala.

Facebook Comments