Indonesia – Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino casualties sa nangyaring magnitude 6.4 na lindol na tumama sa silangang bahagi ng Lombok Indonesia noong Linggo.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kinumpirma sa kanila ng ating embahada sa Jakarta na nasa ligtas na kalagayan ang nasa 250 Pinoy sa Lombok.
Magkagayunman, tuloy parin ang monitoring ng ahensya sa sitwasyon at anu mang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Una nang nagpaabot ng pakikiramay ang ahensya sa mga naulilang pamilya ng mga biktima ng lindol.
Base sa pinakahuling ulat, umaabot na sa 17 ang naitatalang nasawi sa nasabing pagyanig habang nasa higit 1000 kabahayan naman ang nawasak ng lindol.
Nangako naman si Ambassador to Indonesia Leehiong Wee na magtutuluy-tuloy ang pagbibigay ayuda sa mga biktima ng lindol.