Nagsasagawa ng close monitoring ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino sa Iran matapos itong tamaan ng magnitude 6.1 na lindol.
Ayon sa ating embahada sa Tehran patuloy ang kanilang komunikasyon sa Filipino community duon at sa 2 Filipino-Iranian families na naka-base sa Kermanshah Province.
Sinabi naman ni Ambassador Wilfredo Santos na ang lahat ng 10 myembro ng 2 pamilya ay ligtas mula sa kapahamakan.
Wala din aniyang ni isang Pinoy ang nadamay sa earthquake casualties.
Matatandaang kahapon niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang western iran
Sa nasabing pagyanig 1 ang napaulat na nasawi at hindi naman bababa sa 90 ang sugatan.
Facebook Comments