Lindol, naitala sa Sultan Kudarat at Masbate

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng dalawang malakas na pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaninang madaling araw.

Unang niyanig ng 4.6 magnitude ang bayan ng Kalamansig, lalawigan ng Sultan Kudarat pasado alas-2:45 kaninang madaling araw.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 15 kilometers timog ng Kalamansig at may lalim na 30 kilometers.


Naramdaman ang Instrumental Intensity III sa Kiamba, Sarangani at Intensity I sa Malungon, Sarangani at General Santos City.

Pasado alas-4:29 ngayong umaga naman ay naitala ang 3.8 magnitude na lindol sa layong 24 kilometer ng bayan ng Claveria lalawigan ng Masbate.

Tectonic ang pinagmulan ng dalawang lindol at wala namang inaasahang aftershocks.

Batay sa abiso ng PHIVOLCS, walang inaasahang mga aftershocks ang mga nasabing pagyanig.

Hindi rin naglabas ang ahensya ng tsunami warning alert.

Wala ring naiulat na nasaktan o nasirang ari-arian dahil sa mga pagyanig.

Facebook Comments