LINDOL | Relief operation matapos ang magnitude 7.1 na lindol sa Peru, pahirapan

Yauca, Peru – Pahirapan ngayon ang relief operations sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.1 na lindol sa Yauca, Peru.

Maraming kalsada kasi ang nasira dahil sa lakas ng lindol.

Nilinaw naman ng mga otoridad na isa pa lang ang kumpirmadong patay matapos na mapaulat na dalawa ang nasawi habang 65 ang sugatan.


Gayunman, posible pa umano madagdagan ang casualty habang nagpapatuloy ang search and rescue operations.

Tumama ang lindol sa Pacific Ocean sa 40 kilometers south- southwest ng Acari pero paglilinaw ng US Geological Survey, hindi ito magdudulot ng tsunami.

Facebook Comments