Itinuturing ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) na pinakamalakas na lindol ang magkakasunod na pagyanig na nangyari sa Batanes sa loob ng 60 taon.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum – gumalaw ang lupa sa ilalim ng dagat malapit sa Itbayat.
Aniya, maraming fault o bitak sa lugar dahil collision zone ito sa pagitan ng tectonic plates.
Sagana rin ang Itbayat sa limestone at coral na dati ay umangat sa ilalim ng dagat dahil sa mga nakalipas na lindol.
Kaya ito ang materyal na ginamit sa pagpapatayo sa mga bahay at gusali roon.
Matibay man sa bagyo, marupok pagdating sa lindol.
Paalala ng Phivolcs, ugaliing maging handa dahil walang pinipiling oras ang lindol.
Facebook Comments