Lindol sa Chile, walang banta ng tsunami sa Pilipinas -PHIVOLCS

Tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa bansa kasunod ng tumamang 7.4 magnitude na lindol sa Chile.

Ayon sa PHIVOLCS wala silang na-detect na tsunami threat sa kabila ng napalakakas na pagyanig sa Chile.

Ang 7.4-magnitude earthquake ay naganap alas 9:51 ng umaga sa Chile.


Ang tsunami ay serye ng sea waves na nangyayari kung mayroong “undersea earthquakes”, ang alon resulta ng tsunami ay maaaring umabot ng 5 metro.

Facebook Comments