LINDOL | Tarragona, Davao Oriental, niyanig ng magnitude 6 na lindol

Davao Oriental – Bago mag-alas dose ngayong tanghali nang yanigin ng magnitude 6 na lindol ang silangang bahagi ng Tarragona, Davao Oriental.

Batay sa monitoring ng PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa 31 kilometers south 39 degrees east ng bayan ng Tarragona.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na dalawampu’t walong kilometro.


Dahil dito, naramdaman ang intensity 4 sa Mati City, Intensity 3 sa Davao City maging sa Cagayan De Oro City, habang intensity1 ang naramdaman sa Bislig City.

Ayon sa PHIVOLCS, asahan na ang mga aftershock ahabang wala pa namang napapaulat na pinsala o nasugatan sa lindol.

Facebook Comments