LINDOL | Tsunami alert, inilabas matapos ang magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Caribbean region

Caribbean region – Niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang Caribbean region.

Dahil sa lakas ng lindol, agad na naglabas ng tsunami alert ang pacific tsunami warning center sa Puerto Rico at US Virgin Islands.

Ayon naman sa united states geological survey, posibleng tumama rin ang tsunami sa mga baybayin ng Jamaica, Mexico, Honduras, Cuba, Belize, Costa Rica at iba pa.


Facebook Comments