Aklan – Pinasinayaan ngayon umaga sa Ibajay, Aklan ang Ibay Seismic Station, isang facility na naglalayong mamonitor ang lindol sa lugar.
Ayon sa PhilVolcs, bahagi ito ng pagpapaigting ng kanilang hanay sa aspeto ng pagdi-detect ng mga lindol.
Ang bagong station na ito ay hindi lamang makakatulong sa Albay kundi pati na rin sa isla ng Panay, dahil isa ang ito sa mga lugar sa Pilipinas na may mga aktibong earthquake generator, at nakapagtala na rin ng malalakas na lindol dito.
Ayon sa PhilVolcs, malaking tulong ang pasilidad na ito, para sa data collection at para sa tamang pagreresponde tuwing magkakaroon ng lindol.
Facebook Comments