LINDOL | West Coast ng Canada – niyanig ng 6.6 magnitude na lindol

Canada – Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang West Coast ng Canada.

Mag-a-ala-6:00 ng umaga kanina (oras dito sa pilipinas) nang maramdaman ang pagyanig 218 kilometers timog-kanluran ng port hardy.

Ang port hardy ay isang maliit na munisipalidad sa northeastern tip ng Vancouver island sa British Columbia.


Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa insidente habang wala ring inilabas na tsunami warning matapos ang pagyanig.

Facebook Comments