LINE RECONDUCTORING WORKS | Ilang lugar sa Laguna, Valenzuela, Pasay at Quezon City, makakaranas ng pansamantalang power interruption

Pansamantalang mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Sta. Rosa City sa Laguna, Valenzuela, Pasay at Quezon City.

Alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon, walang kuryente sa ilang bahagi ng Barangay Don Jose sa Sta. Rosa City, Laguna dahil sa reconductoring ng primary lines sa may United Boulevard.

Alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw ng Miyerkules, brownout naman sa ilang bahagi ng Barangay Paso De Blas at Canumay West sa Valenzuela City dahil sa pagpapalit ng mga lumang poste sa may Paso De Blas Road at Dr. M. Laurel Street.


Alas-11:30 ng gabi umaga hanggang alas-5:30 ng madaling araw ng Miyerkules, walang kuryente sa ilang bahagi ng Apollo Street hanggang airport road kabilang na ang Don Carlos Village dahil sa line reconductoring works sa bac 1-11 drive.
Alas-10:00 ng gabi umaga hanggang alas-6:00 ng umaga ng Miyerkules, may power interruption sa ilang bahagi ng Barangay Bagong Pag-asa at Sto Cristo sa Quezon City dahil sa line construction at reconductoring works sa mga nabanggit na barangay.

Facebook Comments