LINE RECONDUCTORING WORKS | Ilang lugar sa QC at Rosario, Cavite – pansamantalang makakaranas ng power interruption

Pansamantalang mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Quezon City at Rosario sa Cavite.

Alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Barangay Talipapa sa Quezon City dahil sa pagpapalit ng mga poste at line reconductoring works sa loob ng St. Martin Village.

Alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, makakaranaas din ng power interruption ang ilang bahagi ng Barangay Ligtong 3 sa Rosario, Cavite dahil sa relocation ng facilities na apektado ng overpass construction sa may Tramo Road.


Facebook Comments