Lineman, Patay Matapos Makuryente

68

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang lineman ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO) matapos makuryente bandang alas 10:00 kaninang umaga, Hulyo 26, 2020 sa Brgy La Paz, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Roel Galiza, 47 taong gulang, may-asawa, at residente ng brgy. Culing Centro, Cabatuan, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ng kasama ng biktima na nagtungo sila sa Brgy La Paz para sa gagawing relokasyon ng service drop at kilowatt meter.

Habang nasa basket ng kanilang boom truck ang biktima ay aksidente nitong nahawakan ang ground ng service drop na sanhi ng kanyang pagkakakuryente.

Agad na dinala ng kasama sa pinakamalapit na ospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival (DOA) ng attending physician.

Facebook Comments