
Nakatakdang magtungo sa Luzon ang mga lineman sa Mindanao para tumulong sa pagsasaayos sa mga linya ng kuryente na pinadapa ng mga nagdaang Bagyong Tino at Uwan.
Kabilang na ang suplay ng kuryente sa Bicol, Cebu, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Catanduanes, Samar at iba pang lugar sa bansa.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Usec. Felix William Fuentabella, pinaplano na ang deployment ng mga lineman at kung saan sila ipakakalat kasama ang kanilang mga equipment.
Target kasi ng mga ito na maisaayos sa lalong madaling panahon ang mga linya ng kuryente matapos na masira dahil sa hagupit ng mga bagyo.
Samantala, kinumpira ng ahensya na isa sa kanilang lineman ang nasawi matapos ang pagsasagawa ng operasyon o pagsasaayos ng electric line noong kasagsagan ng bagyo.
Una nang sinabi ng Department of Energy na aabutin ng isang buwan ang pagsasaayos sa mga nasirang linya ng kuryente sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.









