Lingayen Airport, nawalan ng supply ng kuryente sa harap ng pananalasa ng Super Typhoon Goring

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nawalan ng supply ng kuryente sa Lingayen Airport kaninang umaga hanggang tanghali sa harap ng pananalasa ng Super Typhoon Goring.

Bukod dito, binaha rin ang rampa ng paliparan.

Habang light to moderate rain naman ang nararanasan sa Vigan, Rosales at San Fernando airports.


Tiniyak naman ng CAAP na nakahanda sa bagyo ang iba pang mga airport sa Regions 1 at 2.

Kanselado naman ang flight ngayong araw ng Cebu Pacific patungong Laoag at pabalik ng Manila.

Habang ang Philippine Airlines (PAL) Express ay nagkansela rin ng flight mula Cebu patungong Baguio at pabalik ng Cebu.

Facebook Comments