LINGAYEN BAYWALK, NILINISANMATAPOS ANG PAGDAGSA NG MGA TAO NGAYONG HOLIDAY SEASON

Matapos ang pagdagsa ng mga tao ngayong holiday season, nagsagawa ng Coastal Clean-Up Drive ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) Lingayen sa Lingayen Baywalk bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran. Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng temang “BUMBAsurero.”

Layunin ng programa ang pangongolekta at tamang pagtatapon ng mga basurang naiwan sa baybayin upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng coastal area, lalo na matapos ang sunod-sunod na selebrasyon.

Bukod sa aktuwal na paglilinis, binigyang-diin din ng BFP ang kahalagahan ng disiplina sa wastong waste segregation at ang pagpapalawak ng kamalayan ng publiko hinggil sa pangangalaga sa yamang-dagat at marine ecosystem.

Ayon sa BFP Lingayen, ang ganitong mga gawain ay patunay ng kanilang malasakit hindi lamang sa kaligtasan ng komunidad kundi pati na rin sa proteksyon ng kalikasan, habang hinihikayat ang mamamayan na makiisa sa mga programang nagtataguyod ng malinis at ligtas na kapaligiran.

Facebook Comments