Dinagsa ng mga beachgoers ang Lingayen beach bunsod ng selebrasyon ng Pistay Dayat, kahapon.
Kanya-kanyang dala ng mga tent, sapin at upuan ang mga bumisita at naghanap ng pwesto para maligo sa dagat.
Nakaantabay naman ang grupo ng lifeguards at Pangasinan PDRRMO para tiyakin ang kaligtasan ng mga beachgoers habang naliligo sa dagat.
Patuloy rin na nagbigay abiso ang mga naglilinis sa paligid ng Lingayen baywalk sa publiko na ugaliin na linisin ang lugar na pinaglagian bago umalis upang maiwasan na magkalat ang mga basura sa dagat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









