LINGAYEN MENRO, MULING NANAWAGAN NG SEGREGATION SA KABAHAYAN MATAPOS ANG PAHIRAPANG PAGHAHAKOT NG BASURA PATUNGO SA SANITARY LANDFILL

Nananawagan ang Municipal Environment and Natural Resources Office sa mga residente ng 32 barangay sa Lingayen na pairalin ang waste segregation sa mga kabahayan matapos ang pahirapang paghahakot ng basura tungo sa Urdaneta City Sanitary Landfill.
Ayon sa tanggapan, inaabot nang magdamag ang pagpila ng dump trucks sa Urdaneta City at isang beses na lamang nakakabyahe dahil sa dami ng mga nag-iimbak ng basura sa naturang landfill.
Kapag napamahalaan nang maayos umano ang basura sa bawat barangay, maaaring mabawasan ang suliranin ng tanggapan sa paglalaan ng espasyo sa material recovery facility ng Lingayen. Sa huli, iginiit ng MENRO ang pagbabawal sa open burning at dumpsite sa mga pampublikong lugar na nakasaad sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments