
Patuloy na pinauunlad ng Lingayen Municipal Police Station (MPS) hindi lamang ang pisikal na kahandaan ng kanilang mga tauhan kundi pati na rin ang kanilang espirituwal na kapakanan, sa isinagawang PNP SWIM Squad Weekly Interactive Meeting (SWIM).
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng panauhing tagapagsalita na si Pastora Joan Fernandez, isang Life Coach, na nagbahagi ng makabuluhang mensahe kung saan binigyang-diin niya ang biyayang tinatamasa ng bawat isa at ang pag-asang nagsisilbing lakas at inspirasyon ng mga pulis sa patuloy na paglilingkod sa publiko.
Ang ganitong uri umano ng programa ay mahalagang bahagi ng kanilang layunin na hubugin ang mga alagad ng batas na may matibay na pananampalataya, malasakit, at dedikasyon sa tungkulin.
Tintiyak naman ng hanay ng pulisya sa Lingayen na nananatiling tapat ang himpilan sa pagsusulong ng God-centered at service-oriented na kapulisan, bilang sandigan ng tiwala at kapayapaan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










