LINGAYEN NAKARANAS NG PAGBAHA; HIGIT 100 PAMILYA INILIKAS

Aabot sa 300 indibidwal ang inilakas sa bayan ng Lingayen dahil sa naranasang pagbaha dulot ng Bagyong Paeng.
Ayon kay Committee Chairman ng Disaster Resilience ng bayan na si Jm Dela Cruz Crisostomo, nasa higit 100 pamilya ang kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation centers.
Ang mga ito ay nasa Narciso Ramos Sports and Civic Center, Lukeb Evacuation Center, Magsaysay Elementary School, Maniboc, Sabangan at Lingayen Terminal na pansamantalang itinalagang evacuation center.

Ang mga inilakas ay residente ng coastal areas.
Samantala, nagsasagawa na ng aksyon ang awtoridad upang matulungan ang mga residenteng nakaranas ng pagbaha. |ifmnews
Facebook Comments