LINGAYEN, PANGASINAN – NAGSIMULA NA sa bayan ng Lingayen ang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan (SK).
Inilatag ang mga aktibidad na magaganap para sa nasabing selebrasyon simula August 6 hanggang August 14, 2021.
Nagsimula kahapon sa isang Webinar tungkol sa kahalagahan ng pagbabasa via Facebook Live ang okasyon na susundan naman ngayong araw, August 7 ng isang Coastal Clean-up Drive.
Sa August 8, magkakaroon ng Tree Planting ng Dwarf Coconut Tree Seedlings na may layuning mapanumbalik ang industriya ng paggawa at pagtitinda ng “bukayo” rito habang isa pang webinar sa Youth Volunteerism naman ang magaganap sa August 9.
Sa August 10 ay ang Covid Warrior, Covid Survivor Photo Contest; August 11 Online Quiz Bee at Awarding para sa mga mananalo; at sa August 14 ay mangyayari ang isang Bloodletting drive na joint project ng PWD at SK Lingayen Federation bilang culminating activity.
Nagpaanyaya naman ang organisasyon sa mga kabataang Lingayenense na makilahok at makibahagi kahit karamihan sa mga aktibidad ay online ngayong may pandemya pa ring kinakaharap.