Lingguhang COVID-19 positivity rate sa bansa, tumaas ng 6.8% ayon sa DOH

Pumalo na sa 6.8 percent ang lingguhang COVID-19 positivity rate sa bansa.

Ito ang batay na rin sa inilabas na COVID-19 national situationer ng Department of Health nitong July 3.

Bukod dito, anim na rehiyon na rin sa bansa ang lumampas na sa 5% threshold na itinakda ng World Health Organization.


Kabilang dito ang National Capital Region na nakapagtala ng 9.3%, ang pinakamataas na weekly COVID-19 positivity rate.

Sinundan ito ng CALABARZON na may 8.4%, Western Visayas na may 7.1%, MIMAROPA na may 6.4%, Cordillera Administrative Region (CAR) na may 5.5%, at Central Luzon na may 5.4%.

Ayon sa DOH, simula June 28 hanggang June 4, 2022, patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan nasa 1,103 ang naitatalang average kada araw habang nasa 500 cases naman sa Metro Manila.

May nakita ring bahagyang pagtaas ng mga kaso sa Mindanao na aabot sa limampu.

Kahapon, umabot sa 832 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Facebook Comments