Lingguhang Kadiwa ng Pangulo, isasagawa sa Bureau of Plant Industry sa Maynila

Photo: Radyoman Emman Mortega

Inihayag ngayon ng Bureau of Plant Industry sa Maynila na dalawang araw kada Linggo na isasagawa ang Kadiwa ng Pangulo sa kanilang tanggapan.

Ito’y para mas marami pang indibidwal o pamilya ang makakabili ng mas murang pagkain at iba pang produktong agrikultura.

Mula naman sa dating alas-8:00 ng umaga, ginawa nang alas-7:00 ng umaga ang pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo sa BPI.


Mas marami na rin sariwang produkto ang ibinebenta rito tulad ng gulay, prutas, manok, karne at iba pa na abot-kaya ang presyo.

Sa kabila nito, may ilan ang umuwi nang maaga dahil sa wala pang suplay ng bigas na ibinebenta sa halagang P29.00 kada kilo.

Nabatid na makakabili sana ng tig-tatlong kilo kada isa ang bentahan at nasa 30 tig-25 kilo na sako ng bigas ang hinihintay na dumating.

Hinihikayat ng BPI ang publiko na tangkilikin ang Kadiwa ng Pangulo na isang paraan upamg makatulong sa mga magsasaka, mangingisda, at mga may maliliit o nagsisimula pa lamang ng negosyo.

Facebook Comments