Inumpisahan na ng Valenzuela City Government ang pamamahagi ng masustansyang E-Nutribuns o mga tinapay sa mga mag-aaral ng mga pampublikong paaralan mula Kinder hanggang Grade 6.
Kabilang sa mga bibigyan kada linggo ng isang pack ng E-Nutribuns na naglalaman ng pitong tinapay ay ang mga mag-aaral na naitala noong nakaraang school year na underweight o kulang sa nutrisyon.
Sa pakikipagtulungan sa Department of Science and Technology (DOST) ay mas siniksik sa sustansya ang E-Nutribuns upang tulungang maging malusog ang mga kabataang Valenzuelano.
Pinapayuhan ng lokal na pamahalaan ang mga magulang na hindi pa nakakakuha ng E-Nutribuns, na makipag-ugnayan sa guro ng kanilang anak.
Facebook Comments