Magsasagawa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng lingguhang surveillance at raid sa mga ilegal na vape reseller sa buong bansa.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., walang magiging illicit vape smuggler kung walang illicit vape retailer at reseller.
Batay sa tala ng BIR, umabot na sa 408 na mga vape retailer ang na-raid ng BIR sa Bulacan, Manila City, Quezon City, San Juan City, Makati City, Las Pinas City, Pangasinan, Benguet, Isabela, Laguna, La Union, Pasay City, Albay, Iloilo, Cebu, at Bohol hanggang nitong October 16.
May mga vape retailer din sa Leyte, Bukidnon, Misamis Oriental, Surigao del Norte, Butuan, Agusan del Sur, South Cotabato, Davao, Negros Occidental, Negros Oriental, at Ilocos Sur.
Ang kawalan ng internal revenue stamp at rehistro sa BIR ang mga karaniwang paglabag ng mga ilegal na nagbebenta ng vape.
Patuloy pa rin ang imbentaryo na isinasagawa ng BIR sa kabuuang bilang ng mga vape product na nakumpiska ng ahensya.