Niyanig ng magnitude na 6.2 na lindol ang Hilagang bahagi ng Surigao del Sur.
Na-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lindol bandang 12:20 ng tanghali.
Natunton ang sentro nito sa 84 kilometers Northeast ng Lingig, Surigao del Sur.
May lalim itong dalawang kilometro at tectonic ang dahilan.
Naramdaman ang intensity 5 sa Lingig at City of Bislig, Surigao del Sur; intensity 4 sa Hinatuan, Surigao del Sur at Davao de Oro; intensity 3 sa Marihatag, Surigao del Sur; intensity 2 sa Magsaysay, City sa Gingoog, Misamis Orental; at intensity 1 sa Cagwait, Surigao del Sur at Cagayan de Oro.
Naramdaman naman ang instrumental intensity II sa City of Davao.
Facebook Comments