Lingkod Bayanihan ng PRO2, Nagpapatuloy

Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin ang PRO2 Lingkod Bayanihan sa pagbibigay ng tulong at kalinga sa mga mamamayan ng buong Lambak ng Cagayan sa kabila ng pakikibaka sa COVID-19 pandemic.

Sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, tatlong pabahay na mula sa mga bayan ng Bambang, Sta. Fe at Ambaguio ang naipagkaloob ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office nito lamang nakaraang Linggo.

Masaya namang tinanggap ng mga napili ang isang simple at disenteng tahanan na itinayo at ipinagkaloob ng kanilang Police Station para sa kanila.


Kaugnay nito, una nang ginanap ang simultaneous na blessing at turn-over ng tatlumpu’t-apat na pabahay sa iba’t-ibang probinsya sa Rehiyon Dos noong bumisita si PNP Chief General Guillermo Eleazar sa rehiyon dos.

Sa kasalukuyan, nasa pitumpu’t-isa na ang kabuuang bilang na naipagkaloob ng PRO2 Lingkod Bayanihan sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Crizaldo O. Nieves.

Facebook Comments