LINGUISTIC SOCIETY OF THE PHILIPPINES INTERNATIONAL CONFERENCE, GINANAP SA PANGASINAN

Nagtipon-tipon ang nasa pitumput walong Delgado mula sa iba’t-ibang unibersidad at institusyon sa ginanap na ika-pitong Linguistic Society of the Philippines International Conference (LSPIC) sa Sison Auditorium sa Lingayen,Pangasinan, kahapon.

Ayon kay Dr. Elbert Galas, President ng Pangasinan State University, isang magandang oportunidad ito para sa unibersidad dahil ang maitutulong ng mga ganitong klase ng conferences sa paraan ng pagtuturo lalo na sa usapin ng linguistic.

Inihayag rin ng Linguistic Society of the Philippines na dapat na malaman ang mga baryasyon ng mga lenggwahe dahil kaakibat nito ang kultura at pamantayan ng isang lugar sa kanilang ginagamit na lenggwahe.

Makatutulong din umano ang pag-aaral ng lenggwahe upang malinang pa at hindi ito malimutan sa pagdaan ng panahon.

Samantala, iginiit sa pagtitipon na dapat ding pahalagahan ang mother tongue dahil parte ito ng kultura at kasaysayan ng isang lugar o bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments