LINISIN ANG KALSADA | PAGCOR, naglabas ng milyon-milyong halaga para labanan ang kriminalidad

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang pagsuporta nito sa kampanya ng PNP na linisin ang kalsada sa mga masasamang loob.

Base sa inilabas na pahayag ng PAGCOR, papalo sa halos apat na milyong piso ang financial aid nila sa PNP particular na sa National Capital Region Police Office.

Layon ng naturang donasyon na makabili ang NCRPO ng karakdagang motorcycle patrol na gagamitin sa pagbabantay sa mga kalsada sa lungsod.


Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo, mahalaga na mabigyan ng sapat na kagamitan ang PNP para tuluyang masugpo ng mga ito ang kriminalidad sa lansangan na magreresulta naman ng mas maraming turista sa bansa.

Dagdag pa ni Domingo, hindi sila nag dalawang isip na tumulong sa PNP-NCRPO dahil kailangan umanong mas mapalago pa ang turismo sa bansa at magagawa lamang ito kung magkakaroon ng kapayapaan sa mga pangunahing syudad sa bansa.

Facebook Comments