LINISIN ANG PANGALAN | Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, nag-resign sa kanyang tungkulin

Manila, Philippines – Nagbitiw na sa kanyang posisyon si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Binasa ng Bise Alkalde ang kanyang resignation letter sa kalagitnaan ng ginaganap na special session ng city council, para sa deklarasyon ng state of calamity sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Vinta.

Sabi ni VM Duterte, may kinalaman ang kanyang resignation sa nakapasok na iligal na droga sa bansa na dumaan pa sa Bureau of Customs.


Aniya, gusto niyang linisin ang kanyang pangalan sa nasabing isyu.

Binanggit din ni Duterte ang kontrobersiyal na away nila ng kanyang anak na si Isabelle na umano’y kumaladkad sa kanilang pangalan sa nakasisirang estado.

Facebook Comments