Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kailangang mayroong maayos na linya ng komunikasyon lalo na kapag may tumatamang kalamidad sa bansa.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kapag may maayos na komunikasyon ay magiging maayos din ang paghahatid ng tulong sa mga Local Government Units (LGUs) na naapektuhan ng kalamidad.
Importante kay Año na muling buhayin ang radio communication systems maliban mula sa satellite communication lines.
Nakatanggap sila ng ulat na 90% ng imprastraktura sa Catanduanes ay napinsala.
Gayumpaman, pinuri ng DILG ang mga LGU dahil sa kanilang maagap na paghahanda bago tumama ang bagyo sa kanilang mga lalawigan.
Aminado ang DILG na target ng pamahalaan ang ‘zero’ casualties kapag may kalamidad.