Linya ng Kuryente, Dapat Suriin-ISELCO II

34

Cauayan City, Isabela- Ipinapaalam ng Isabela Electric Cooperative ( ISELCO) II sa lahat ng member consumers nito na apektado ng pagbaha na suriing mabuti ang mga linya ng kuryente sa loob ng tahanan upang maiwasan ang sakuna.

Pinapaalalahanan din ang mga consumers na sumangguni sa mga electrical practitioners kung walang kaalaman sa pagsuri ng kuryente.


Dagdag dito, ang mga kWh meter na nasira sa baha dulot ng bagyong Ulysses ay papalitan na ng LIBRE ng kooperatiba.

Ito’y bilang pakikiisa ng kooperatiba sa muling pagbangon ng bawat mamamayan na apektado ng delubyo sa pamamagitan ng pabibigay ng mabilis na serbisyong pangkuryente.

Facebook Comments