Linya ng PNR, pansamantala munang isasara simula March 27 para bigyang daan ang North-South Commuter Railway Project

Pansamantalang isasara ang linya ng Philippine National Railways (PNR) simula March 27 para bigyang daan ang North-South Commuter Railway Project.

Limang taon na isasara ang PNR, kung saan gagawin nila ito sa Holy Week upang hindi makaabala sa mga pasahero ng tren.

Tinatayang nasa 20,000 hanggang 25,000 ang mga pasahero na maaapektuhan ng pansamantalang pagsasara.


Tiniyak naman ng Department of Transportation Sec. Bautista na mayroong bus na iikot sa kaparehong ruta mula Alabang hanggang Tutuban.

Asahan naman na mas marami ang makikinabang kapag tuluyan ng naisayos ang PNR sa 2028 o sa unang quarter ng 2029.

Facebook Comments