Lion Dance, Pumaparada at Bumabati sa Isabela

Cauayan City, Isabela – Patuloy pa rin ang ginagawang paglilibot ng lion dance group ng Nan Sing School sa iba’t-ibang bayan sa Isabela, bilang paghahanda sa nalalapit na Chinese New Year.

Ayon kay Mrs. Dolores Ramires, guro at isa sa mga lider ng Lion Dance group ng nasabing paaralan, kasama ang kanilang mga high school students, sinimulan ang tradisyunal na Chinese Lion Dance Act nitong nakaraang Lunes, gamit ang lion costume, sa harapan ng Cauayan City Hall.

Aniya, bumisita na rin sila sa iba pang mga kalapit bayan gaya ng Roxas, Cabatuan at Luna Isabela.


Batay sa tradisyon ng mga kapatid nating Chinese, pinaniniwalaang may hatid na swerte at magandang kapalaran ang nasabing lion dance.

Ito umano ay madalas isinasagawa tuwing sasapit ang Chinese New Year, kung saan ngayong taon ay pinaghahandaan ang pagsalubong sa year of the dog.

Maliban sa Bagong Taon, kadalasan ding nakikita ang Lion Dance sa iba pang mga tradisyunal at religious festival ng mga Tsino.

Paliwanag pa ni Ramires sa ginawang panayam ng RMN Cauayan News Team, patuloy pa rin ang gagawing pagbisita at pagbati ng lion dance group sa iba pang mga bayan sa Isabela hanggang sa darating na ika-15 ng Pebrero bago sumapit ang Chinese New Year sa ika labing-anim ng buwang ito, taong kasalukuyan.

Facebook Comments