LION’S DEN | Nonito Donaire Jr., pinaghahandaan na ang laban kay Irish boxer Frampton

Sports – Malaking hamon para kay dating four-division boxing champion Nonito Donaire Jr. ang laban niya kay Irish Boxer Carl Frampton.

Ayon kay Donaire, para kasi siyang papasok sa isang “lion’s den” dahil sa balwarte ni Frampton sa Belfast, Northern Ireland gaganapin ang kanilang laban sa April 21.

Dahil dito, maagang naghahanda ang batang Donaire para maipakita ang lakas ng isang Pinoy boxer.


Sabi pa ng ‘The Filipino Flash’, sisiguraduhin niyang matatalo niya si Frampton para magkaroon ng tiyansang makaharap si IBF featherweight champion Lee Selby ng UK.

Facebook Comments