MARCH 8, 2019 | Ilang oras na lang, magaganap na ang kauna-unahang out-of -town PESO visit ng DZXL Radyo Trabaho team.
Ang Lipa City PESO na pinamamahalaan ni manager John Toledo, ang dadalawin ng DZXL Radyo Trabaho team kung saan nakatakdang magtagpo ang dalawa sa kanila mismong tanggapan sa Lipa City Hall Compound.
Tamang-tama ang pagdalaw ng grupo sa lungsod dahil sa magandang panahon. Dahilan upang masasaksihan ng DZXL Radyo Trabaho ang malinis, at tunay na may taglay na kagandahan na lungsod ng Lipa.
Ang Lipa City ay isang 1st Class City na nasasakupan ng lalawigan ng Batangas.
Sa 2015 census, may kabuuang 332,386 ang populasyon nito na ang ilang bahagi nito ay tiyak na nangangailangan ng trabaho.
Sa pagdalaw ng DZXL Radyo Trabaho team, mababatid kung anong mga programang pang trabaho ang pinagkakaabalahan ng lungsod ng Lipa at mga trabaho na maiaalok nito sa kanilang mamamayan. (DZXL Radyo Trabaho –RadyoMaN Ronnie Ramos)