Manila, Philippines – Magkakaroon ng malawakang balasahan sa hanay ng pambansang pulisya sa mga susunod na Linggo.
Kinumpirma ito ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde matapos ang ginanap na consular corps forum na ginanap sa Makati.
Aniya dalawang beses nang nagsagawa ng validation ang oversight committee ng PNP kung saan sinilip ang performance ng commanders on the ground kasama ang mga Regional Director.
Sinabi ni albayalde na malaking bentahe ang performance ng mga police official sa gagawing malawakang balasahan.
Tiniyak naman ni Albayalde na magiging maingat sila sa pagsibak o paglilipat ng mga assignments kahit pa may mga natatanggap silang rekomendasyon pagsibak sa pwesto sa ilang opisyal.
Facebook Comments