Manila, Philippines – Asahan na ang balasahan sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesperon Senior Superintendent Benigno Durana Jr., isa sa mga dahilan ay ang pagreretiro ng mahigit 40 na police general sa pagtatapos ng taon.
Maliban dito, nagiging mahigpit aniya ang pagsusuri ng PNP oversight committee sa performance ng mga unit commander.
Nauna nang nagkaroon ng balasahan sa Davao matapos ianunsiyo ang pag-upo ni Police Chief Superintendent Marcelos Morales bilang regional director.
Papalitan ni Morales ang magreretirong si Police Chief Superintendent Manny Gaerlan.
Facebook Comments