Manila, Philippines – Nagkaroon ng balasahan ang mga matataas na posisyon sa Philippine National Police (PNP) matapos magretiro si Police Deputy Director General Ramon Apolinario.
Ayon kay PNP spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana, ilan sa mga nagalaw ang pwesto ay si Police Deputy Director General Fernando Mendez Jr. na itinalaga bilang The Deputy Chief for Administration (TDCA) kapalit ni Apolinario.
Uupo naman sa kaniyang papalit naman sa pwesto ni Mendez si Police Deputy Director General Archie Gamboa na The Deputy Chief for Operations.
Habang si Police Director Camilo Cascolan ay itinalaga bilang The Chief Directorial Staff (TCDS).
Papalit kay Cascolan bilang director ng PNP Civil Security Group si Police Chief Superintendent Reynaldo Biay kung saan inilagay naman si Police Chief Superintendent Mariel Magaway sa Deputy Director for Intelligence.
Matatandaan na si Magaway ay una nang sinibak bilang regional director ng PNP Region 8 matapos lusubin ng mga NPA ang Lapinig Municipal Police Station.
Paliwanag ni Durana, ang mga bagong talaga ay batay sa rekomendasyon ng PNP Senior Officers Placement and Promotion Board (SOPPB) na ginawang batayan ang seniority, competence at service reputation.
Simula naman ngayon araw (September 1, 2018) ay epektibo na ang mga bagong posisyon ng mga ito.